Fans nina Nora at Maricel walang pinagkaiba; Wala sa hitsurang nakademanda, Sarah L. abala sa pamamasyal sa Morocco

SEEN: Wala nang ipinagkaiba ang fans ni Maricel Soriano sa mga tagahanga ni Nora Aunor.

Sarado ang isip nila sa katotohanan na may mga attitude problem ang mga aktres na iniidolo nila.

SCENE: Tinahi ang bahagi ng lower lip ni Daniel Padilla na nasugatan dahil nasiko siya habang naglalaro ng basketball sa Princess and I Royal Championship Game noong Linggo sa The Arena.

SEEN: May reunion ng Starstruck Batch 1 noong Linggo. Tenth year anniversary ng Starstruck 1 sa October.

Si Lino Cayetano ang unang direktor ng talent  search show ng GMA 7 na naging dahilan upang magkaroon ng showbiz career sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Cristine Reyes, Katrina Halili, Dion Ignacio, Nadine Samonte, Jade Lopez, at ang nagpakamatay na aktor na si Tyrone Perez.

SCENE: Dalawang beses na tinawag na  “Shaina” ni Charlene Gonzales si Vina Morales sa guesting nito sa The Buzz noong Linggo.

SEEN: Kahit nasa ibang bansa siya, tumutulong si Sarah Lahbati sa promo ng Seduction, gamit ang kanyang Twitter account. 

SCENE: Pamamasyal sa mga gallery at garden sa Morocco ang pinagkakaabalahan ni Sarah Lahbati. Kasama niya sa pamamasyal ang kanyang Moroccan father. Maaliwalas ang mukha ni Sarah. Walang-wala sa kanyang hitsura na pinoproblema niya ang mga demanda na naiwan sa Pilipinas.

SEEN: WowoWillie Studio na ang bagong pangalan ng Delta Theater dahil ito na ang bagong studio ng noontime show ni Willie Revillame na magsisimula sa Sabado.

SCENE: Ngayon ang first wedding anniversary nina Congressman Roman Romulo at Valenzuela City Councilor Shalani Soledad. Isang taon na ang nakalilipas mula nang magpakasal sila sa Silang, Cavite noong 2012.

 

Show comments