Dennis kaya nang tumanggi sa temptation

PIK: Kitang-kita namin ang closeness nina Marian Rivera at Glaiza de Castro na magkasama sa bagong pang-GMA Telebabad na Temptation of Wife.

Nagsimula ito sa Amaya at lalo silang naging close ngayong magkasama sila uli. Hanggang ngayon nga ay Ba-i pa rin ang tawag ni Marian kay Glaiza na karakter nito dati sa Amaya.

Dito sa Temptation of Wife ay mas matinding bugbog at sakit ang inabot ni Marian mula kay Glaiza pero okay sa kanila dahil kampante na sila sa isa’t isa.

Sa Oct. 29 na magsisimula ang Temptation of Wife na papalit sa iiwanang timeslot ng Luna Blanca.

PAK: Kasama rin si Dennis Trillo sa Temptation of Wife at sa presscon nito kamakalawa ng gabi ay naikuwento nitong malaki ang ipinagbago niya dahil kay Bianca King.

Kung dati ay madali siyang nadadala sa mga temptation, ngayon ay hindi na dahil na rin sa pag-handle ni Bianca sa kanilang relasyon. Masasabing one-woman man na siya ngayon dahil kay Bianca.

 “Puwede nating masabing ganun. Sa madaling salita, maganda ang impuwensiya niya sa akin,” pahayag ni Dennis.

 “Maganda lang talaga ang mga example at mga halimbawa na ipinakita niya sa akin.”

Ayaw na niyang idetalye pa ang magandang relasyon nila ni Bianca pero masaya siya dahil mas tahimik ito kumpara sa dati.

BOOM: Isinalang na kahapon sa witness stand si Janelle Manahan kaugnay sa murder case na isinampa sa kapatid mismo ni Ramgen Revilla na si RJ Bautista at iba pang kasama.

Pinahintulutan din ng kortre si RJ Bautista na makalabas ng kulungan sa Oct. 28 para madalaw ang puntod ni Ramgen. Binigyan ito ng anim na oras sa labas para makadalaw sa sementeryo at makapiling ang kanyang pamilya.

Ayaw na munang magsalita ni Sen. Bong Revilla, Jr. tungkol dito. 

Ang pagkakaalam namin, pinaayos na nila ang puntod ni Ramgen bilang paghahanda sa first death anniversary nito.

 

 

Show comments