Patrick kumanta na tungkol sa nabuntis na non showbiz girlfriend

PIK: Kapana-panabik ang mapapanood sa pagtatapos ng Kasalanan Bang Ibigin Ka na pinagbibidahan nina Jackie Rice at Geoff Eigennman.

Malaki ang pasasalamat ni Jackie sa afternoon drama na ito dahil dito siya napaarte ng husto at napatunayan naman niyang kaya niya.

Sana masundan siya ng ganun kabigat na proyekto dahil dito siya nahasa ng husto sa pag-arte.

Papalitan itong Kasalanan Bang Ibigin Ka ng Sana ay Ikaw na Nga at doon ipapakilala ang seksing tandem nina Mikael Daez at Andrea Torres.

PAK: Naaliw kami sa kuwento ng isang crew ng isang talk show na kung saan ini-interview nila ang isang kilalang female celebrity.

Nang ikinabit nito ang lapel sa damit ni female celebrity, naloka siya nang nakapa nito ang malulusog na dibdib ni female celeb.          

“Ay ang tigas!’ tili nito sa sarili niya. Hindi siya nakapagpigil na ikuwento nito sa mga kasamahan niya.

Ganun daw ba ang niretokeng dibdib? Matigas?

BOOM: Itinanggi ni Patrick Garcia ang napabalitang nabuntis nito ang kanyang non showbiz girlfriend.

Pagdating sa kanyang personal na isyu, tikom ang bibig ng aktor at mas gusto niyang tahimik na lang.

Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang girlfriend dahil hindi naman nga celebrity.

Okay sila ni Jennylyn Mercado at minsan lang nag-uusap tungkol sa kanilang anak.

Ang madalas niyang nakakausap ay si Mommy Lydia ni Jennylyn para kumustahin ang anak nitong si Alex Jazz

Nagpadala pa siya ng regalo nung nakaraang birthday ni AJ at nagustuhan ito ng bagets.

Show comments