^

PSN Showbiz

P-Noy napikon?!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Nagulat sigurado ang mga taga-ABS CBN nang doon mismo sa affair nila para sa 25th anniversary ng TV Patrol na kung saan ay guest speaker nila si Presidente Noynoy Aquino ay binanatan sila nito. I’m sure hindi nila ’yun inaasahan pero silent na lang sila dahil presidente ang bumanat at baka sa nasa­bing programa na lamang na nagdiriwang ng anibersaryo sila mag-react.

Napikon ba si P-Noy sa mga komento’t balita nila? Bakit hindi na lang nito sila kinausap o tinawagan on the air na tulad ng ginawa noon ni ex-President Joseph Erap” Estrada sa isang programa na tumuligsa sa kanya? Sana magkaroon sila ng dayalogo para mawala ang gap sa pagitan nila. Para maging maganda ang trabaho nila pareho.

Indie films nakakatulong sumigla ang industriya

Binabati ko ang Cinemalaya dahil magaganda ang mga pelikulang ipinalalabas ngayon sa itinataguyod nilang filmfest. At dinudumog ang mga pelikula sa mga sinehang pinaglalabasan ng nga ito bukod pa sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ngayon mas kakailanganin ng mga nasa likod na mainstream movies na dagdagan pa ang kanilang output at pagandahin ang mga pelikula nila para hindi sila talunin ng mga independent film na sa totoo lang ay malaki ang tulong para mabuhay muli ang industriya.

Natutuwa rin ako kay Mayor Her­bert Bautista ng Quezon City dahil sa pamumuno niya ay baka matuloy din ang matagal ko nang pinapangarap na Quezon City Film Festival. Balita ko ay may mga ginaganap nang pag-uusap tungkol dito. At sana sa pamamagitan nito hindi lamang ang pangarap ko na makitang maging City of Stars ang QC kundi mabuhay din ang industriya ng pelikula.

Zoren makakaligtas na sa pagiging berdugo ’pag natsugi sa talk show

Nakalulungkot na nawala na pala sa ere ang Paparazzi. Aba, pinagkakakitaan ito ng maraming kapatid na manunulat. Malaki magbigay ng TF sa mga guest ang programa. Pero papalitan naman agad. At naroroon pa rin si Cristy Fermin.

Totoo bang mawawala na si Zoren Legaspi? Kung sakali man, pabor ito sa iyo Zoren, hindi ka na magiging berdugo ng mga kapwa mo artista na nagiging subject ng mga balita at tsismis mo. Ngayon, hindi na kakaba-kaba si Carmina Villaroel. ’Di ba Mina?

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

CRISTY FERMIN

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

NGAYON

NILA

NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

QUEZON CITY FILM FESTIVAL

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with