Team GMA, wagi sa online poll ng Mega Mag

MANILA, Philippines - Wagi ang Team GMA na kinabibila­ngan nina Kris Bernal, Alden Richards, Bela Pa­dilla, at Sarah Lahbati sa online poll ng Mega Magazine para ngayong July 2012 issue ng Mega.

Ayon sa official  tally ng MegaStyle.ph, na­ka­kuha ang team GMA ng tumatagin­ting na 405,007 votes at lumamang ng mahigit 31,000 votes laban sa ABS-CBN sa loob ng dalawang linggong botohan.

Hindi nagpatalo ang mga Kapuso fans sa pagbigay ng suporta sa kanilang mga idolo na maituturing na mga “next big thing” sa industriya.

Kasabay ng pagpasok ng libu-libong mga boto ay ang pagbuhos ng napaka­ra­ming magagandang komento para kina Kris, Alden, Bela, at Sarah.

Ang MEGA July cover ng Team GMA ay mabibili sa mga nangungunang news at magazine stands sa buong bansa.

Show comments