Panalo ni Myrtle sa PBB pino-protesta ng ilan!

SEEN: Si Gerald Anderson ang gusto ng fans ni Sarah Geronimo na maging first boyfriend ng kanilang idol. 

Mainit ang pagtanggap ng fans ni Sarah kay Gerald nang panoorin nito ang 24/SG noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

SCENE: Walang “sniper” sa concert ni Sarah Geronimo. 

Pananakot lang ng mga duwag at laos na detractors ni Sarah ang kanilang mga banta sa e-mail.

SEEN: Si Myrtle Sarrosa ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4. 

Marami ang nagpoprotesta sa tagumpay ni Myrtle ngunit wala na silang magagawa dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto.

SCENE: Nag-taping si Richard Gutierrez ng Pinoy Adventures sa Cebu City. 

Nag-almusal kahapon si Richard sa Cebu, kasama ang buong angkan ng kanyang nanay na si Annabelle Rama.

SEEN: Pinabulaanan ni Eric Quizon ang balitang kumalat noong Sabado na nasa kritikal na kondisyon si Mang Dolphy at magpapaalam ito anumang oras.

SCENE: Bigay na bigay sa pakikipaghali­kan sa kapwa lalaki ang ex-bold veteran actor na si Ernie Garcia sa isang eksena ng still unreleased gay movie na ginawa niya. 

SEEN: Nakita ang dating bold actor na si Anton Bernardo sa Gateway Mall noong Sabado. 

Kasama ni Anton ang kanyang asawa at mga anak.

SCENE: Ang remake ng Temptation Island ang itinapat kahapon ng GMA 7 sa coverage ng ABS-CBN sa boxing fight nina Nonito Donaire, Jr. at Jeffrey Mathebula sa Home Depot, Carson, California.

SEEN: Fashion victim si Andi Eigenmann sa gown na suot niya kahapon sa ASAP Rocks. Parang may suot na lampin si Andi, lampin na hiniram niya sa anak nila ni Albie Casiño.

Show comments