'Nakikisimpatya kay Amalia'

Nakikisimpatiya naman ako sa sinapit ni Amalia Fuentes. Anuman ang kaganapan sa pagitan nila ng nangungupahan sa kanyang bahay, dapat hindi siya sinaktan at ang anak na lalaki.

Bakit ba ang daming tao na inilalagay ang batas sa kanilang mga kamay at nananakit ng kanilang kapwa? May katuwiran man o wala ang mga nanakit, at sino man ang nagpasimula ng pananakit, dapat naiwasan ito. Naiintindihan ko kung nagagalit man ang dating artista dahil natalbugan siya ng tseke. Pero dapat din ay hindi sila umabot sa ganung sitwasyon.

Hayden hindi nanghingi ng tawad kaya tuluyang nawalan ng lisensiya

Hindi ko rin alam kung may katuwiran si Hayden Kho, Jr. na tutulan ang pagdadamay sa pagiging doktor niya ang iskandalong sex video na kinasangkutan niya. It could have been prevented kung humingi na lang siya ng tawad sa pinagkasalahan niya. Pero dahil walang nakitang pagsisisi mula sa kanya sa mga pinagkasalahan niya, lalo na kay Katrina Halili, lalo lamang siyang napahamak.

Maraming nagkakasala ang nakukulong pero nakakalabas ng maaga for good behavior.

                  

Show comments