Kahit walang kinalaman sa network ang pinag-debatehan mainit na debate nina Gina Lopez at Manny Pangilinan pinagpi-piyestahan pa

Nagkaroon pala ng heated face-to-face debate sina Gina Lopez ng ABS-CBN at Manny V. Pangi­linan sa Conference on Philippine Mining’s Impact on Economy and Ecology na dinaluhan nila noong Biyernes.

Walang kinalaman sa TV industry ang heated exchange ni Mama Gina at Papa Manny dahil tungkol sa environmental issues at mining ang kanilang topic.

Pero hit na hit ang video nila habang nagpapalitan ng salita at naging mainit dahil nag-dialogue si Papa Manny ng “I never said that. You’re lying,” nang sabihin ni Mama Gina na “You said that the areas that are gonna be mined are ugly anyway.

That’s so not true. It’s not true that the areas to be mined are ugly. You can’t do anything there anyway.”

Nakakaloka ang reaksiyon ng mga tao sa palitan ng salita nina Papa MVP at Mama Gina pero nagawa pa nila na tumawa at pumalakpak para mabawasan ang tensiyon.

‘Birthday’ ni Rudy ginunita ng mga nagmamahal sa kanya

Kahapon ang 60th birthday ni Rudy Fernandez at ginunita ito ng mga nagmamahal sa kanya.

Isang misa ang idinaos kahapon sa Heritage Park, Taguig City para sa birthday ni Daboy.

Ang kanyang misis na si Lorna Tolentino ang nanguna sa misa na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nagkaroon ng munting salu-salo sa San Juan, pagkatapos ng misa sa puntod ni Daboy. Natatandaan ko pa ang huling birthday party ni Daboy na ginanap noon sa club house ng Wack Wack Subdivision.

Nalulungkot ako sa tuwing naalaala ko ang kanyang simple pero makahulugan na birthday wish, ang more birthdays to come, dahil three months later, pumanaw ang isa sa aking pinakapaborito at napakabait na talent.

Jose at Wally made na!

Congrats kina Jose Manalo at Wally Bayola dahil pinag-uusapan kahapon ang kanilang jampacked concert sa Smart Araneta Coliseum.

Made na talaga ang tandem nina Jose at Wally dahil napuno ng mga tao ang first major concert nila at pure talent ang kanilang ipinakita sa aliw na aliw na audience.

Three-hour long ang concert ng dalawa pero bitin ang pakiramdam ng mga nanood dahil nag-enjoy sila ng husto.

Puwedeng-puwede na magkaroon ng repeat o masundan pa ang concert nina Jose at Wally dahil happy ang mga produ sa naging resulta. Bawing-bawi ang mga puhunan nila.

World tour ng Wil Time… tuloy na tuloy

Tuloy na tuloy ang world tour ng Wil Time Bigtime dahil inaayos na ang mga show nila sa San Francisco, New Jersey, at Dubai.

Invited ako sa world tour pero hindi pa ako nagbibigay ng commitment dahil sa schedule ko.

Willing ako na sumama sa world tour ng show ni Willie Revillame sa TV5, basta hindi ito magkakaroon ng conflict sa Startalk.

2 anak nina Paolo at Lian mga mukhang manika, future stars

Happy birthday today sa mga anak nina Paolo Contis at Lian Paz, sina Xonia at Xalene na sabay na magdiriwang ng kanilang 2nd at 1st birthday, respectively.

Magaganda at mga mukhang manika ang mga anak nina Paolo at Lian. Sila ang mga future stars ng showbiz dahil siguradong susundan nila ang yapak ng kanilang mga magulang.

Show comments