Shalani dedma lang sa pagkukumpara kay Grace Lee

SCENE : Absent si Edu Manzano sa press launch kahapon  ng Game N Go.

Si Edu ang main host ng noontime show ng TV5 na magsisimula sa March 10, not March 3 as earlier reported.

SEEN : Nasaktan si Mo Twister sa spoof sa kanya ni Ogie Alcasid sa Mr.& Mrs. A.

Pero hindi niya naalaala ang mga pang-ookray sa mga artista.  

SCENE : Hindi matanggap ng fans ni Kim Chiu ang balita na nagkakamabutihan sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Hindi na nawala ang pagkapikon at wala sa lugar na pagkaseloso ng Kim-Gerald fans.

SEEN : Inuuna ng mga Internet bloggers na invited sa mga presscon ang pagpapakuha ng litrato sa mga artista.

Mga fan sila na nagpapanggap na blogger upang makilala ang kanilang favorite stars.

SCENE : Si Mart Escudero ang bida sa Kapitan Awesome, ang weekly fantaserye ng TV5.

Nagkakaroon ng kapangyarihan si Kapitan Awesome kapag kumakain siya ng siomai.

Seen : Walang reaksiyon si Shalani Soledad-Romulo sa pagkukumpara sa kanya kay Grace Lee, ang current apple of the eye ni P-Noy.

Scene : Si Sam Pinto ang leading lady ni Cesar Montano sa Hitman. Binig­yan  ni Ogie Alcasid ng chance si Sam na i-promote ang Hitman sa Valentine concert nila ni Regine Velasquez.

Show comments