Katrina 'di na kilala si Hayden Kho!

PIK : Isasakripisyo na ni Rocco Nacino ang kanyang bakasyon sa Holy Week para makapag-shooting ito sa Lam-Ang na pagbibidahan niya.

Siya ang napili ng isang independent producer na magbida sa epic movie na ito.

Sa audition pa lang ay nagpakitang gilas na si Rocco at na-impress nga sa kanya ang director.

Kailangan lang na ayusin ang schedule niya para hindi magkaroon ng conflict sa The Good Daughter nila ni Kylie Padilla na magsisimula na sa Lunes sa afternoon prime ng GMA 7.

PAK : Iti-tape na ngayong araw ang reunion episode ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

Inaasahan ang matinding tarayan sa mga castaways na kung saan hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang bangayan nina Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama kina Ellen Adarna, Jackie Forster, Carlo Gonzalez, Arthur Solinap, at Angelicopter.

BOOM : Pawang no comment ang sagot ni Katrina Halili kapag tungkol kina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. ang pinag-uusapan.

Sa presscon ng My Beloved, hiningan namin ito ng reaksiyon sa balak ni Hayden na bumalik ng showbiz.

Sinundan namin ng tanong na kung sakaling nasa showbiz na naman si Hayden, may posibilidad na magkasalubong sila o magkatrabaho.        

 Matagal itong nag-isip bago kami sinagot ng “no comment.”

 “Ayoko ko na kasi siyang pag-usapan eh. Tapos na ang book ko sa kanya. Nagsara na. Hindi ko na siya kilala,” pakli nito.

“Pero hindi naman natin masabi kung ano ang susunod na mangyari eh. Expect the unexpected na lang,” dagdag pa niyang pahayag.

Basta dedma na lang siya kapag tungkol sa dalawa ang napapag-usapan.

Show comments