Kahit sintunado, Anne napuno ang Araneta

SEEN: Blockbuster ang Annebisyosa, ang major concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Halos tatlong oras ang haba ng concert ni Anne na masayang-masaya dahil napuno ng mga tao ang Smart Araneta Coliseum.

SCENE: Always Be My Baby ang kinanta ni Anne Curtis at ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby sa Annebisyosa. 

Nahawa si Sam sa sintunadong boses ni Anne.

SEEN: Sinuportahan nina Sam Milby, Richard Gutierrez, at Erwan Heussaff ang Annebisyosa. Ex-boyfriends ni Anne sina Sam at Richard at si Erwan ang kanyang current lover.

SCENE: Magkakasamang pinanood nina Kris Aquino, Richard, at Raymond Gutierrez ang Annebisyosa.

SEEN: Magandang-maganda si Iza Calzado sa welcome guesting niya kahapon sa ASAP 2012. Sina Angel Locsin at Paulo Avelino na mga da­ting Kapuso stars ang nagbigay ng welcome VTR message kay Iza.

SCENE: Wise decision na alisin sa Umagang Kay Ganda sina Phoemela Barranda at Donita Rose dahil hindi na sila nakakatulong sa morning show ng ABS-CBN.

SEEN: May Facebook fanpage na ang mag-inang Jenny Syquia at Cloie Concepcion, ang Jenny and Cloie Syquia Concepcion fan page.

SCENE: Si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang special guest sa blessing ng Taal Imperial Hotel & Resort sa Feb. 6. Si Mother Lily Monteverde ang may-ari ng Taal Hotel & Resort.

SEEN: Wala si Vice Ganda sa blessing ng bagong studio ng It’s Showtime sa Studio 3.

Si Vice lamang ang wala sa mga hosts ng Showtime at ang kanyang katuwiran, matutuloy ang blessing kahit wala siya.

Show comments