Jovit, Zia, Princess, Bugoy & Liezel makiki-join sa MBC National Choral competition

MANILA, Philippines - Tampok sina Jovit Baldivino, Zia Quizon, Bugoy Drilon, Princess Velasco, at Liezel Garcia bilang piling panauhin sa isang linggong pagtatanghal ng MBC National Choral Competition mula ika-5 hanggang ika-9 ng Disyembre sa Star City complex, Pasay City.  

Ang patok na mga DJ ng 90.7 Love Radio na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper at ang sikat na sikat ding sina Kristine Dera at Rico Panyero ang mangunguna sa palatuntunan gabi-gabi, sa pagsasagupa ng 44 sa pinakamagaling na mga chorale mula iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Ang magwawaging children’s choir ay tatanggap ng P100,000 samantalang P150,000 naman ang nakalaan sa magiging kampeyon sa open category. 

Inaanyayahan ang lahat na panoorin ang semi final rounds mula Dec 5-8 sa Star Theater at ang grand finals sa December 9, na gaganapin naman sa Aliw Theater. 

Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa 832.6105, mag-email sa siouxstar@gmail.com, o mag-log on sa www.manilabroadcasting.multiply.com

Show comments