Career sa Amerika strategy lang Sam Milby lilipat sa ibang channel

Sana nga magtagumpay si Sam Milby sa kanyang pakikipagsapalaran sa abroad. Maram kasi ang ayaw maniwalang may malaking break na naghihintay sa kanya sa kabilang ibayo, sinasabi nila na kaya lamang siya aalis ay dahil nasasapawan na siya ng marami niyang kasabayan at Kapamilya. At pagbalik daw ay lilipat na sa kabilang channel. Ganun.

Mo naduwag sa demanda!

Mabuti na lamang at mukhang na-realize ni Mo Twister na mas malaking gulo ang lilikhain niya kung daragdagan pa niya ang mga pinagsasasabi niya sa kanyang Twitter account. Wala nang nabasang anumang derogatory, o patungkol sa kanino mang tao sa kanyang mga tweets.

Mabuti naman, Mo. Please try to move on na lang para kung gustuhin mong bumalik, ‘di ka na mahihirapan. Baka kung dagdagan mo pa ang sinasabi mo ay magkakaso ka pa at lalo ka pang mahirapang bumalik.

Good luck sa iyo at sana nga bumalik ka. Huwag mong sayangin ang talent mo. May lugar ka sa local showbiz.

AiAi tuloy ang pagpupulitika!

Sana nga tama ang desisyon ni AiAi delas Alas na mag-pulitika. Walang makakapigil sa kanya kung gusto niyang magbigay ng serbisyo sa tao. Sundin niya lang ang payo ni Gob. Vilma Santos na talagang gustong tumulong sa tao. Respetado siya bilang pulitiko at kung gugustuhin niya ay maari pang tumaas ang kanyang ranggo. Pero taga-Batangas ang gustong paglingkuran ng Star for All Season. Kapag pinapili mo siya, mas pipiliin niya ang pagiging gobernadora kaysa pagiging artista. Ikaw ba AiAi, puwede mong isakripisyo ang pagiging artista mo para lang maging pulitiko rin?

Paghihirap ng nanay ni Jake, winakasan na ng PanginooN

Winakasan na rin ng Panginoon ang paghihirap ng ina ni Jake Vargas, isinama na Niya ito sa kanyang kaharian.

Malungkot pero mabuti na rin ito. Hindi na pahihirapan pa ng kanyang sakit ang ina ng teen star. Dapat matagal nang tinanggap ng kanyang pamilya ang tuluyang paglisan nito. Hiram lamang ang buhay nating lahat. Anumang oras ay babawiin ito ng Panginoon. At least nakasama nila ng matagal ang kanyang ina. Kapag naging maligaya sila sa paglisan nito, magiging maligaya rin ito sa kabilang buhay.

Nakikiramay ako sa pagkamatay ng iyong ina, Jake Vargas.

Show comments