Gwendoline Ruais First Princess sa Miss World 2011!

SEEN: First Princess o 1st runner-up sa 60th Miss World si Gwendoline Ruais ng Pilipinas. Si Miss Venezuela Ivian Sarcos ang nanalong Miss World ng 2011.

SCENE: Ru-WAIS ang pronunciation ni Anthony Taberna sa apelyido ni Gwendoline. Ru-WEY ang wastong bigkas sa apelyido ng French-Filipina beauty queen.

SEEN: Patalbugan ang ABS-CBN, GMA 7, at TV5 sa coverage ng murder case ni Ramgen Revilla.

SCENE: Inoperahan kahapon si Janelle Ma­nahan dahil sa mga fractures sa kanyang mukha. Si Janelle ang girlfriend ni Ramgen na nag-iisang saksi sa pagpatay sa kanyang boyfriend.

 Mahigpit ang seguridad sa ospital na kinaroroonan ni Janelle.

SEEN: Ang statement ni Ramona Bautista na tinaluk­bungan niya ang nagdurugong mukha ni Janelle na tinamaan ng bala at ang reklamo ni Janelle na hindi ito makahinga.

     Sinabi rin ni Ramona na hindi na kumikilos si Janelle nang umalis siya sa crime scene. Kung namatay si Janelle, ma­hi­hirapan ang Parañaque Po­lice na isangkot si Ramona sa krimen.

SCENE: Sagot ng Revilla fa­mily ang pagpapa-ospital sa injured girlfriend ni Ramgen.

SCENE: Pinagdududahan ang kasarian ni Kenneth Monico dahil sa kanyang mga kaartehan. Contestant si Kenneth ng Pro­tégé at si Jay-R ang kanyang mentor.

 Palaging nagtatampo si Kenneth kay Jay-R.

Show comments