David Foster at Black Eyed Peas magsusubukan ng lakas!

SEEN : Mas mataas ngayon ang presyo ng ticket ng mga sinehan kaya dineklarang highest gros­sing Filipino film of all time ang No Other Woman.

SCENE : May cameo role sa Daldalita ang dating bold actor na si Anton Bernardo. Hindi healthy na tingnan ang pagkapayat ni Anton.

SEEN : Kamukha ni Jake Roxas ang deglamorized character ni Gerald Anderson sa Budoy.

SCENE : Ang Kokak ang ipapalit sa timeslot ng Pahiram ng Isang Ina. Patapos na ang 16-week run ng afternoon show ni Carmina Villarroel sa GMA 7.

SEEN : Magkakasubukan ng lakas si David Foster at ang Black Eyed Peas sa October 25 dahil magkatapat ang kanilang mga concert, si David sa Smart Araneta Coliseum at ang Black Eyed Peas sa SM Mall of Asia Grounds.

SCENE : Si Annabelle Regalado ang bagong manager ni Marvin Agustin. Nag-resign si Annabelle sa Star Records bilang Managing Director.

SEEN : Hindi na talaga nakakatulong si Rico Puno sa Happy Yipee Yehey. Isa siya sa mga sinisisi sa mababang rating ng show dahil sa kanyang mga joke na hindi nakakatawa.

SCENE : Ang pinaplano na Manila concert ni Madonna sa May 2012. Matagal nang hinihintay ng mga Pilipino na mapanood ang live performance ni Madonna sa Maynila.

Show comments