Kaya hindi pa natutuloy ang show nila, Gretchen, Angelica, at KC may problema agad

May mga naglabasang balita na si Gretchen Barretto ang dahilan kaya hindi pa masimulan ang teleseryeng pagsasamahan nila nina Angelica Panga­niban at KC Concepcion. Totoo ba ito Gretchen?

“I get into it just a little bit. Alam natin geniuses ang ating creative team so hinahayaan sila. I’m patiently waiting dahil alam ko bago simulan ang teleserye na malaking proyekto you always have to wait because the preparation has to be really careful.

“Nagkaproblema lang sa script sa tatlong babae, but once we start diretso na,” paglilinaw ng aktres.

Piolo hataw sa kanyang Asian tour

Nagpunta si Piolo Pascual sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa unang stop ng kanyang Asian album tour sa Piolo Pascual Songs of the Decades.

Kasama ni Piolo sa nasabing tour ang ilang executives ng Star Records at doon ay nilibot din nila ang ilang record bars kung saan ay ini-release rin ang album ng actor-singer.

Nakakuha na ng Quintuple platinum award dito sa Pilipinas ang Decades album ni Piolo kaya naman labis ang kanyang pasasalamat.

“It gives me a certain boost na talagang pagalingin. Gusto mo pang mag-record at maglabas ng regalo. Sobra-sobrang regalo, sobrang pasasalamat, ’tapos bumebenta pa siya sa mga record bars, so, sobrang happy ako,” pahayag ng Kapamilya hunk.

Marami ang kinilig na mga kababayan natin at maging foreigners nang kumanta si Piolo sa kanyang show sa Malaysia. Naisingit na rin ni Piolo ang pagbabakasyon kahit medyo hectic ang kanyang schedule ngayon. Nakatakda na rin siyang pumunta at mag-perform sa Singapore at Hong Kong.

Iiwan na kaya ni Piolo ang kanyang career sa Pilipinas ngayong namamayagpag ang kanyang international career?

“Hindi ko iiwan ang Pilipinas kung may mga pagkakataon na ganito na makapag-perform sa ibang bansa. You know I’d gladly do it pero base ko pa rin ang Pilipinas, hindi magbabago ’yun,” sagot ni Piolo.

Nasa Malaysia pa rin ang aktor hanggang ngayon.

Angeline gusto nang umarte

Mukhang matutuloy na ang isa pang pangarap ni Angeline Quinto na pasukin ang pag-aartista dahil nag-a-acting workshop na siya ngayon.

“Basic lang po pinag-aaralan ko para lang po sa endorsements ko. Gusto ko rin po kasing umarte siyempre katulad po ng lagi kong sinasabi na kapag magkaroon po ako ng chance na gumawa ng teleserye o pelikula, siyempre talagang hindi ko po tatanggihan ’yun.

“Hindi naman ako nagmamadali, one step at a time,” maikling pahayag ni Angeline. — Reports from James C. Cantos

Show comments