Patrol sinundan ang katapusan ni Harry Potter

MANILA, Philippines - Sampung taon mula nang lumabas ang unang pelikula ng

Harry Potter

sa mga sinehan. Balot ng hiwaga at mahika, ang pelikula at maging ang libro na isinulat ni

JK Rowling

ay pumatok sa buong mundo. At ngayon, ilalabas na sa takilya ang huling kabanata ng buhay ng sikat na sikat na si Harry. Ngayong Martes, Hulyo 12 sa

Patrol ng Pilipino,

samahan si

Rose Eclarinal

mula London, at pasukin ang sentro ng kababalaghan ng kasikatan ng Harry Potter series. 

Kilalanin ang mga karakter sa likod ng mga personang bumubuo sa pelikula at damhin ang pinaghalong lungkot at saya ng mga cast at fans sa pagtatapos ng Harry Potter.

Kung sa tanyag na Platform 9 sa London sasakay si Rose, sa kabubukas muling Bicol Express naman lululan si Zen Hernandez. Makalipas ang limang taon, sa gitna ng mga kontrobersiyang nakabalot sa reha­bi­li­­tas­­yon, muling umarangkada ang biyaheng Maynila hanggang Bicol. Pero hindi pa man nakarara­ting sa huling destinasyon ang unang biyahe nito, na­balot ang buong tren ng tension nang matigil ito sa gitna ng riles. Isa ba itong badya nang muling pagkadiskaril ng biyahe ng Bicol Express? Ang Patrol ng Pilipino ay mapapanood pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Show comments