Rhian at Mo Twister araw-araw na namang nag-uusap

Seen : Photoshopped ang mga litrato ng Philippine Rugby Team sa kanilang underwear billboard. Malalaki ang tiyan ng ilan sa players sa photoshoot video.

Scene : Si Lovi Poe ang nagmistulang bida sa Temptation Island dahil sa kanyang outstanding performance.

Seen : Ang mga unflattering shot ni Mikael Daez sa Temptation Island. Hindi napag-aralan ng cameraman ang wastong anggulo ng mukha ni Mikael.

Scene : Ang biro na kung may Phil at James Younghusband ang Azkals, may Phil and James Ex-husbands si Kris Aquino. Mali ang biro dahil hindi kasal si Kris kay Phillip Salvador.

Seen : Maaga ang press launch ngayong hapon ng Manny Many Prizes dahil may important appointment si Congressman Manny Pacquiao. Ang Manny Many Prizes ang unang game show ni Manny na ilalagay sa Saturday timeslot ng Andres De Saya.

Scene : Hindi pa napuputol ang communication nina Mo Twister at Rhian Ramos. Araw-araw pa rin ang kanilang pag-uusap sa cellphone.

SEEN : Dumating na kahapon sa Manila si Kylie Minogue para sa kanyang Aphrodite concert na itatanghal ngayong gabi sa Araneta Coliseum. Sold-out ang tickets ng concert ni Kylie.

SEEN : Inilipat na sa Channel 59 ng SkyCable ang Aksiyon TV ng TV5. Dating napapanood ang Aksyon TV sa Channel 61.

Show comments