Luis nakikitulog na sa bahay ni Jennylyn?

Naiimbyerna na ang malalapit kay Ms. Korina Sanchez particular na si Ms. Girlie Rodis, manager ni Korina. Ayaw kasing tantanan sina Mr. & Mrs. Mar Roxas ng isyu na hiwalay na sila. Hindi na raw nila alam kung saan nanggagaling ang mga imbentong kuwento na ‘yun.

“Paano naman mangyayari ‘yun eh nasa Australia nga sila ngayon. Bigla na lang daw nagyaya si Mar,” kuwento ni GR sa kabilang linya ng telepono na naiirita na sa issue.

Nag-iisip tuloy sila na may taong nagpapakana ng hiwalayan ng mag-asawa.

*    *    *

Uy super in love daw talaga si Luis Manzano kay Jennylyn Mercado. In fact, ayon sa source, umuuwi na sa bahay ni Jennylyn ang actor-TV-host. Imbes na umuwi raw ito sa kanyang condo, sa bahay na ito ni Jennylyn natutulog.

Ang siste wala naman daw makapagtanong kay Luis kung totoo ang issue dahil ultimo mga nakapaligid sa kanya ay hindi na siya kayang tanungin ng totoong isyu sa kanila ng Kapuso actress.

Press release ng dalawa, wala pa silang relasyon. Si Jennylyn, idinidiin na hindi pa siya ready na ma-in love uli after ng relasyon nila ni Dennis Trillo. Eh pero bakit may mga ganitong kuwento?

Show comments