Dennis hindi nagpagamit sa isyu!
Thank God mali pala ang iniisip ko. Hindi ako binigo ni Dennis Trillo. He still refuses to talk about the issue of Jennylyn Mercado, na dapat lang dahil marami na ang nagbago. At saka, tama siya, wala namang nagbago sa kanyang career. Mas dumami pa ang assignments niya, so why rock the boat? At sa halip, sinabi niya na sana dumating ang panahon na maging magkaibigan silang muli. Time heals all wounds, sabi nga niya. Amen to that, Dennis.
Nag-aaway sa endorsement?
Bakit naman kailangang mag-away nina Kris Aquino at Boy Abunda dahil lang magkaiba ang ini-endorso nilang gatas? Ginagawa naman nating napakababaw ng friendship nila. Trabaho lang lahat ‘yun at kung napapasabay ang mga endorsements nila sa mga pinaniniwalaan nila, eh ‘di lalong mabuti.
We may argue but we need not be enemies. That’s what friendship is all about.
Tuloy ang asunto
Tuloy pa rin pala ang asunto between Aiko Melendez and her ex boyfriend, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Akala ko, magkakasundo na sila para sa ikatatahimik nila hindi pa pala.
Well, hari sila ng mga sarili nila, baka nga naman malaki na ang amor propio na naapektuhan. Kahiyaan na kung isa man sa kanila ay umatras.
Sana hindi pa huli para mapagkasundo ang dalawa. Don’t they want to put an end to this?
- Latest