^

PSN Showbiz

Iwa panay na naman ang emote

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Ngayon lang namin nalaman na isa pala sa mga producers ng pelikulang Busong ni Aureus Solito si Alfred Vargas.

Huli na nang ikuwento sa amin ni Alfred nang napasali ito sa Cannes International Film Festival.

Dapat pala ay kasali siya sa mga delegates na dumalo sa Cannes pero naging abala ito sa trabaho niya sa Quezon City Hall at patapos na noon ang Mutya kaya hindi na ito sumama.   

Balak ni Alfred na mag-produce pa ng mga indie films lalo na’t kung nakikita niyang may laban ito sa ilang international filmfests.

PAK : Magmula nang lumabas ang endorsement ni Aljur Abrenica na Century tuna hotdog, naging paboritong topic ito ng mga biruan hanggang sa Twitter.

 Tuloy pati si AiAi delas Alas ay napagtripang pag-usapan ng ilang kaibigang reporter na gustung-gusto niyang matikman ang hotdog ni Aljur dahil tuna pa ito.

Tamang-tama, may Gal’s bakery siya, kaya bagay ang hotdog ni Aljur sa monay na tinda ni AiAi sa kanyang bakery.

Pati si Rich Asuncion ay napagtripan ding tanungin kung natikman na ba nito ang tuna hotdog ni Aljur.      

“Hindi po ako mahilig sa hotdog eh,” sagot naman ni Rich.

Sinundan tuloy ng tanong na ibig sabihin, hindi niya natitikman ang hotdog ni Aljur.

“Hindi po,” kaagad niyang sagot na alam naman niyang may ibang kahulugan ang tanong na ’yun.

BOOM : Deretsahang sinasabi noon ni Iwa Moto na nakapag-move on na siya at gusto na niyang bumalik sa trabaho. Kaya naman sinasamahan ang aktres at binabantayan ng mommy niya at ng stepfather.

Pero base na naman sa mga huling tweets ni Iwa, emote na naman ito na obviously, hindi pa rin nakapag-move on sa break-up nila ni Mic­key Ablan.

Sa mga tweet nito kamakalawa lang, nagkita yata sila ng anak ni Mickey na si Ysabel kaya nag-emote na naman ito.

Sobrang napalapit si Iwa sa anak ni Mickey at ganundin naman ang bata kaya nandiyan pa rin ang ugnayan nila ni Mickey.

Kasabay nito, may kumalat pang balitang si Jana Dominguez na ang ipinalit ni Mickey kay Iwa na itinanggi naman ng seksing starlet. Pero si Mickey ay tahimik lang at ayaw nang patulan pa ang isyu.

Duda namin ang ending nito, magkakabalikan pa rin ang dating magkarelasyon.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AUREUS SOLITO

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

IWA MOTO

JANA DOMINGUEZ

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with