Show ni Jackie paitaas ang 'sisid'

MANILA, Philippines - Talagang nag-splash ng malaki si Jackie Rice sa kanyang kauna-unahang pang-hapong serye na Sisid. Mataas ang naging rating nito sa Nielsen TV Audience Measurement.

Ang pilot episode ay may 17.9 percent household rating sa Mega Manila. Nagtuloy pa ito sa mga sumunod na araw.

Mula sa direksiyon ni Ricky Davao, istorya ni Eden (Jackie) ang Sisid na tungkol sa pagiging pearl diver na naghahanap ng isang magical treasure, ang tinatawag na “perlante”. Pinaniniwalaan niya itong makapagbibigay ng pag-ibig at kayamanan.

Tatlong lalaki ang makakasama ni Eden sa buhay niya: Sina Sigfried (Dominic Roco), Ahmed (JC Tiuseco), at Dexter (Ian Batherson).

Ngayong linggo, naiipit si Eden sa gitna ng bawal na pag-ibig at isang sapilitang pagpapakasal. Kahit magkaiba ng estado sa buhay, patuloy ang pagmamahalan nina Eden at Sig.

Pero mas magiging komplikado pa kapag nalaman niyang si Alona (Alicia Meyer), ina ni Sig, ay nagsimula nang bilhin lahat ng mga lupa sa kanilang isla.

Marami pang inaasahang rebelasyon sa Sisid. Tumutok na lang sa Dramarama sa Hapon ng Kapuso Network.

Show comments