Fans day ni Sam Milby para sa 'Third World Happy,' dinumog!

Manila, Philippines - Daang-daang mga tagahanga ng matinee idol/acoustic heartthrob na si Sam Milby ang dumagsa sa SM North Edsa kamakailan upang dumalo sa pinaka-aabangang fans day ng aktor. Kasabay ng fans day ang unang araw ng pagtatanghal ng Cinema One Originals movie na Third World Happy, kung saan nagpamalas si Sam ng kanyang natatanging galing sa pag-arte.

Mapapanood ang Third World Happy sa piling SM Theaters nationwide hanggang ngayong araw na lang, Mayo 31.

Show comments