Yeng Constantino, waging-wagi sa MYX music awards

MANILA, Philippines - Malayo na talaga ang nara­ting ni Yeng Constantino mula nang siya tanghaling kauna-unahang Grand Dreamer sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.

Sa nakaraang MYX Music Awards, umani si Yeng ng limang parangal para sa Favorite Song, Music Video at Female Artist para sa Jeepney Love Story, Favorite Celebrity VJ at Favorite Collaboration with rock band 6cyclemind at Kean Cipriano para sa Kung Wala Na Nga.

Naging emosyonal siya sa kanyang pagtanggap ng mga nasabing awards dahil matinding hirap ang kanyang pinagdaanan para mabuo ang album na Lapit, lalo na ang single na Jeepney Love Story.

Hindi lang kasi singer si Yeng kundi siya rin ang composer ng kanyang mga kanta at nag-produce ng music video para sa Jeepney Love Story.

Masasabing isang unique artist si Yeng kaya naman approve sa kanya hindi lang ang kanyang mga tagahanga kundi pati na rin ang ibang respetadong artists (40% ng mga boto sa MYX Awards ay mula sa kanyang kasamahan sa industriya).

Bukod sa kanyang talent, marami na rin ang nakakapansin at natutuwa sa edgy pero hip na fashion sense ni Yeng. Ito ay magpapatunay na tanggap ng mga manonood ang musika at looks niya at masasabing siya na ang female rock artist of the new generation. 

Mapapanood si Yeng tuwing Linggo sa ASAP Rocks at gabi-gabi sa Music Uplate ng ABS-CBN.

Siya rin ang featured artist ng MYX sa buong buwan ng April kasama ang bandang Pedicab.

Para sa iba pang info tungkol kay Yeng, check n’yo lang ang cornerstoneta­lents.com. 

Show comments