Kahit sinabing ayaw na sa kanya, actress ipinipilit ang sarili sa asawa

MANILA, Philippines - Isang bonggang party ang magaganap sa debut ni Empress Schuck sa February 20. Gawa ni Pepsi Herrera ang susuotin niyang gown sa isang party sa Grand Terrace.

Nangako ang marami niyang kaibigan na dadalo.

Sina Robin Domingo, Kitkat at Melissa Ricks ang magho-host ng bonggang party.

Rocker chick ang magiging theme ng party dahil pakiramdam niya ay unique.

Pero kahit 18 na siya, hindi siya nagmamadaling magkaroon ng freedom. “Konting panahon pa po siguro,” sabi ng debutante. Pero pagdating sa pagdi-desisyon, may sarili na siyang opinion. “They ask for my opinion. Hindi naman sila gagawa ng bagay lalo na kung para sa akin na hindi ako tinatanong,” sabi ni Empress.

Masyado pang bagets si Empress nang magsimula siya sa showbiz. At noon pa lang, kinakitaan na siya ng galing sa drama.

At pagkatapos ng ilang panahon ng paghihintay, inilunsad siya sa programang Rosalka na in fairness ay nag-rate. Na-challenge ang kanyang galing sa aktingan pero hindi naman na-disappoint ang kanyang fans dahil pasado siya sa naturang programa na napanood sa ABS-CBN.

Sa ngayon ay looking forward siya sa magi­ging buhay niya bilang isang ganap na dalaga.

Wala pa siyang boyfriend pero aminado ang young actress na may mga nanliligaw sa kanya.

In the future, gusto rin niyang maging independent. Gusto rin niyang mag-invest sa sariling bahay, restaurant business at mag-enroll sa Culinary Arts for college.

* * *

Totoo pala ang tsismis na ayaw na talaga ng kanyang non-showbiz husband sa actress. As in hindi na raw nito mahal ang asawa. Pero ang actress daw ang naghahabol sa lalaki at isinisiksik ang sarili sa non-showbiz guy.

Walang naging anak ang mag-asawa. Pero hurt daw ang actress dahil hindi niya ini-expect na hindi magtatagal ang kanilang relasyon.

Bata pa ang actress na hiniwalayan na ng asawa.

Show comments