Red ni Bruce Willis nasa DVD at Blu-ray na!

MANILA, Philippines - Ang latest blockbuster ng Hollywood superstar na si Bruce Willis, Red ay may kopya na sa DVD at Blu-ray mula sa C-Interactive Digital Entertainment. Parehong mabibili sa single-sided na disc, bawa’t isa’y nagtatampok sa buong pelikula, isang dokyu kasama ang CIA Field Officer na si Robert Baer at iba pang maaaksiyong eksenang hindi napanood sa mga sinehan. Kabituin dito ni Bruce ang mga de kalibreng artistang sina Morgan Freeman, John Malkovich at Helen Mirren sa kanilang pinakamatinding pagganap.

Sa halagang Php750 para sa Special Edition, Php 1,295 sa Blu-ray at Php 250 sa VCD, ang mga orihinal na kopya ng Red ay available lamang sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, National Bookstore, Fully Booked at iba pang sikat na outlet sa buong bansa. Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang www.c-interactive.com.ph.  

Show comments