Mas maraming intriga, pagbubunyag ni Gretchen, pinahaba na

MANILA, Philippines - Mas pinalaki, mas pinahaba at mas pinabongga na ang paghahatid ni Gretchen Fullido ng pinakamainit na celebrity news sa mundo ng showbiz, music, at sports dahil ang The Wrap, mapapanood na sa loob ng 30 minuto sa Studio 23.

Maki-chika tungkol sa paborito niyong local celebrities sa Showbiz Refill at maki-usyoso na rin sa mga eksena sa Hollywood sa Hollywood Hotplate.

 Alamin ang pinakamainit na celebrity scandal sa Best Seller at hulaan ang mga pasabog na blind items ni Gretchen sa OMG- Weh!

 Mapapanood mo rin ang mga bagong music video at trailer sa Snack Box habang ihahain din sa inyo ang mga nakakaaliw na celebrity trivia sa Celebrity Side Dish.

Show comments