Gerald at Sarah, magso-shooting!

MANILA, Philippines - Sa December 13 na pala ang first shooting day nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson para sa kanilang gagawing pelikula.

Yup, wala nang urungan, tuloy na tuloy na.

Nang huli kasing makausap ng press si Sarah hindi pa niya alam. “Si Mommy Divine niya kasi ang kausap ko,” sabi ni Mr. Vic del Rosario, manager ni Sarah.

Wala pa raw definite title ang nasabing pelikula ng dalawa pero nabasa na ni Mr. Vic ang script at kahit siya raw ay kinilig.

March ang target playdate ng pelikula na siguradong joint venture ng Star Ci­nema and Viva Films.

This week, ire-release na rin daw ang music video collection ng pop princes at ang latest endorsement niyang My Phone kung saan nag-record siya ng mga kanta para sa nasabing telepono. Sa Wednesday magkakaroon ito ng malaking launching sa SM Megamall.

Magiging abala rin daw si Sarah sa brand new album, dagdag na balita ni Mr. Del Rosario.

And by February, ang concert na pagsasamahan nga nila for the first time ng concert king na si Martin Nievera titled, What Love Is na gaganapin sa Araneta Coliseum bago ang Valentine - February 12.

Ini-expect na magpapatalbugan ang dalawa pero agad silang sumagot na walang ganung mangyayari dahil may kanya-kanya silang highlights.

Ngayon pa lang daw ay marami na ang bumibili ng ticket para sa nasabing concert.

For ticket inquiries, please call 687-7236 or ticketnet at 911-5555.

Show comments