Anne pumatol sa poser

Seen : Third-rate, trying hard copycat ni BB Gandanghari si Jimboy a.k.a Jimgirl Salazar.

Scene : Lumang-luma ang showbiz news kahapon ni DJ Chacha sa morning program ng dzMM dahil ang text message ni Malou Santos ng Star Cinema noong Sabado tungkol sa pagkakasakit ng dengue ng direktor na si Rory Quintos ang kanyang ibinalita.

Seen : Ready na si Jay-R sa kanyang biyahe sa Chengdu, China upang magbigay ng moral support kay Krista Kleiner, ang kanyang girlfriend na kasali sa Miss International.

Scene : Ayaw magsalita ng Magalona children sa isyu na may bagong boyfriend ang kanilang nanay na si Pia Magalona.

Seen : May sagot si Anne Curtis sa tweet sa kanya ng poser sa Twitter ng Philippine Star Entertainment Editor na si Ricky Lo. Naisahan si Anne ng poser dahil walang Twitter account si Ricky.

Scene : Dinalaw ni Ogie Alcasid sa Australia ang mga anak nila ni Michelle Van Eimeren.

Seen : Dapat nang igsian ang buhok ni Zaijian Jaranilla sa Noah dahil nasa sibilisasyon na siya.

 

Show comments