Gerald inalalayan ng ambulansiya

Nasa labas kami ng ABS-CBN nang makita na­ming nakahimpil sa harap ng lobby ang ambulansiya ng network na siyang aalalay kay Gerald Anderson matapos itong mag-break down at mag-hyper­ven­ti­late sa presscon ng Till My Heartaches End.

Maya-maya ay may bumaba sa ambulansiya at pumasok para tingnan ang kalagayan ng aktor. Ma­ayos naman ang kalagayan ni Gerald at hindi na kailangang ipasok sa ospital.

Nahati na rin ang Kimerald fans at kumampi sila kay Kim na lumabas na underdog sa pinagdadaanang problema.

Palabas na ang Till My Heartaches End sa Oct. 27 sa humigit 100 theaters nationwide mula sa Star Cinema.

* * *

Kahit garil pa si Victor Aliwalas sa pagsasalita ng Tagalog ay nagsasanay ito para maging diretso sa pagsasalita ng ating wika. Second time niyang naka­sama si Iza Calzado sa Beauty Queen at itinuturing niya itong bestfriend sa showbiz.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

Exclusively dating sila ng ex-wife ni Willie Revillame at sa tingin namin ay ma­lalim na ang kanilang relasyon. Nagkakilala ang dalawa nang maging judge sa Miss Laoag Beauty Pageant na naging simula ng kanilang magandang pagtitinginan.

Show comments