Toys for Big Boys patok na patok

MANILA, Philippines - Dati’y mga bata lamang ang maraming laruan. Pero ngayo’y may mga laruan na rin ang mga adults, lalo na mga kalalakihan. At ang mga ito’y itatampok ngayong Linggo alas-diyes ng umaga sa Q Channel 11 program na Life and Style with Gandang Ricky Reyes.

Ipakikita ang itinuturing na pinakamurang motor sport na City Kart Racing.   Mayroon ding Toys Body Kits para sa mga mahilig magpasadya ng mga gamit at dekorasyon sa kanilang sasakyan para maging kakaiba.

Alam ba ninyo ang RC Heli? Ito’y sa mga mahilig sa remote controlled na helicopters para sa buong pamilya. Maiibigan naman ninyong tiyak ang 4WD ka­rerang Tamiya. Para pa rin sa lahat ng miyembro ng pamilya ang Airsoft na war games at iba’t-ibang kalibre ng baril ang ginagamit.

“Tunay na mga libangang pampawala ng stress ang handog ng show. Magugulat kayo dahil ang episode ay magpapatunay na di lang para sa mga bata ang laruan at maglaro,” sabi ni Mader Ricky.

Siyempre, dalawang paboritong segment sa LSWGRR ang Gandang Body ni Regine Tolentino at Great Hair Day na ang modelo ngayong Linggo’y ang Masscom student na si Ivy Joyce Dimarucut.

Show comments