Kris 'di sinipot ang Win Na Win

MANILA, Philippines - Hindi napanood kahapon si Kris Aquino sa Pilipinas Win Na Win kaya maraming nag-panic. Baka raw naoperan na rin ito ng kampo ni Willie Revillame ng 50% increase sa suweldo kaya nag-resign na rin sa programang ipinalit sa Wowowee.

Hindi naman daw pala. May lagnat daw si Kris at hindi kinayang mag-host ng programa.

Hindi ko napanood. Pero malamang kinaya nina Pokwang at Valerie Concepcion na dalhin ang nasabing programa.

Nauna nang nagbakasyon si Mariel Rodriguez sa programa na kahit hindi raw pinayagan ng EP ng PWNW ay hindi nagpapigil. Itinuloy ang pagpunta sa India para makasama ang kanyang dyowang si Robin Padilla na kasalukuyang nag-aayuno para sa Ramadan.

Ay maraming staff nga raw pala ng PWNW ang nag-resign sa Dos dahil sa pangako ng controversial host na si Revillame na 50% increase sa kanilang kasalukuyang sahod.

Show comments