KC nag-emote, 'I've waited all my life for this moment'

MANILA, Philippines - Isang espesyal na ‘mega family reunion’ ang tiyak na aabangan ngayong linggo, June 13, sa top-rating musical variety show na Sharon. Mata­pos ang ma­higit isang dekada, muling magsasama sa iisang show sina KC Concepcion, Gabby Concepcion at si Megastar Sharon Cuneta!

Kasama ang bestfriend ni Mega na si ZsaZsa Pa­dilla bilang co-host, tampok sa two-part special ng Sharon ang mga exclusive photos, never-be­fore-heard stories at must-see production numbers na pag­sasamahan nina KC, Gabby at Sharon.

Kuwento ni KC, hinding-hindi niya malilimutan ang gabing nakasama niyang muli ang kanyang Mama at Papa. “This moment is really inspiring. Hin­di naman araw-araw nagkakaroon ng chance na magkita-kita ulit kaming tatlo, to be on my Mom’s show and makita silang dalawang nag-uusap.”

Dagdag pa niya, “Meron talagang purpose kung bakit kami pinagtagpo ulit. May rason kung bakit kami nagpunta sa show ni Mama and nakagawa ka­mi ng movie together ni Papa. Hindi lang ‘to para sa show. Parang I waited all my life for this moment.”

Abangan ang kabuuang kwento ni KC at ang naka­kikilig na pag-uusap nina Sharon at Gabby sa first part ng special episode na ito ngayong Ling­go sa nag-iisang musical variety show “kung saan lagi kang kasama,” ang Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN

* * *

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kala­yaan, handog ng Party Pilipinas ang isang en­gran­deng selebrasyon na puno ng mga ipinag­mamalaking mga sayaw, musika at awiting mula sa lahing Pilipino.

Tinawag na Pula…Bughaw…Dilaw… The Phi­lippine Independence Day Special, tampok sa Party Pilipinas ang non-stop all-Pinoy enter­tain­ment mula umpisa hanggang sa wakas sa loob ng tatlong oras.

Simula 12.30 ng tanghali, dapat tutukan ang highly dramatic opening num­ber sa pangunguna ng Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras kasama sina Rocco Nacino, Elmo Magalona, Sarah La­hbati, Diva Montelaba, Steven Silva, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Wynwyn Marquez at Yassi.

Bukod sa kakaibang grand opening number, kilalanin at bibigyang-pugay ng show ang mga tini­tingalang mga Pinoy artists na nagbigay kara­ngalan at nagpa-angat sa kalidad ng Original Pilipino Music (OPM) tulad ng Eraser­heads, Hagibis, Aegis, Ogie Alcasid pati na rin ang mga kanta nila Bamboo, Gary Valenciano, Kuh Ledesma at Freddie Aguilar. Tam­pok din sa Inde­pendence Day special ang mga katutubong sayaw ng mga Pinoy tulad ng pandango sa ilaw, maglalatik, tinikling at carinosa.

Hindi rin dapat palagpasin ang espesyal na pro­duction number ni Elmo Magalona na magbibigay ng tribute sa kanyang yumaong ama, ang Master Rap­per na si Francis Magalona. Magkakaroon din ng special showdown mula sa mga divas at crooners ng Party Pilipinas - Regine Velasquez, Jaya, Kyla, Rachelle Ann Go, Jennylyn Mercado, La Diva, Frencheska Farr, Julieann San Jose, Jay-R, Mark Bautista, Janno Gibbs, Dennis Trillo, Kris Lawrence, Gian Magdangal, Geoff Taylor, Miguel Escueta, Joshua Desiderio kasama ang XLR8, Eurasia at Pop Girls. Makakasama ang Korea’s hottest boy group – UKiss.

* * *

Test of Friendship sa Kitchen Battles

Dalawang magkaibigan sa tunay na buhay – sina chef Pierre Ivan Tan at Rurik Lavina – ang magha­ha­rap sa isang challenging na cook-off ngayong Ling­go, at isa sa kanila ang pipiliin ng Kitchen Battles jud­ges na manatili sa search para sa ultimate Chef Warrior.

Naging magkaibigan sina Chef Warrior Pierre at Rurik noong culinary arts students pa lang sila. Mag­kasabwat sila sa pagtatago ng mga nasunog nilang pagkain at magkadamay sa tuwing masusu­ga­tan at mapapaso sa kusina. Naging mas malalim ang pag­kakaibigan ng dalawa nang matapos nila ang kanilang course at pumasok sa restaurant business.

Sa loob ng ilang taon nilang pagiging magkaibigan, na­tutunan na nila ang strengths at weaknesses ng isa’t isa. Ang nakakagulat ay kahit na malakas ang kom­­petisyon sa food industry, nagawa pa ring mana­tiling magkakakampi nina Chef Pierre at Rurik.

Ngayong Linggo (June 13), masusubukan ang ka­ni­lang pagkakaibigan sa pagsabak nila sa pinakabago at pinaka-exciting na cook-off sa telebisyon – ang Kitchen Battles.

Ang host na si Zoren Legaspi ang tatayong mas­termind ng show, habang ang annotator na si Issa Litton ang magkukuwento ng hot off-the-grill updates. Si chef judge Sau del Rosario naman ang magbibi­gay ng verdict kasama si Zoren at isang guest judge. 

Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 7:40 p.m., sa Q Channel 11. 

Show comments