^

PSN Showbiz

Hindi pa nag-uumpisa, Cogie tsugi na agad sa show ni Angel

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nasa Baguio si Cogie Domingo, nagsu-shoot­ing ng indie film na Muli kaya hindi alam na controversial siya ngayon dahil sa pag-aming naging sila ni Angel Locsin na itinanggi ng aktres. Nadagdagan ang controversy sa comment ni Angel na “naka-katol” si Cogie nang aminin ang na­ka­raan nila dahil wala naman daw silang na­ging relasyon.

Payo ng mga kaibigan ng aktor, ‘wag nang sagutin si Angel o ‘wag na munang magpapa-interview para ‘di siya maakusahang ginagamit ang aktres sa pagbabalik-showbiz niya.

Pero totoo ba ang nabalitaan naming nag-audition si Cogie sa Imortal na bida sina Angel at John Lloyd Cruz? Nakapasa sa audition si Cogie at gusto siya ng staff dahil bagay ang isang important role sa soap, pero hindi natuloy ang aktor at hindi na matutuloy sa nangyayari ngayon. Hindi naman siguro ayaw siyang makatrabaho ni Angel, ‘no!

Sa TV5 babalik si Cogie dahil isa siya sa cast ng sitcom ni Eugene Domingo na Inday Wanda at maggi-guest din daw sa isang episode ng Claudine ng GMA 7.               

* * *

Kasama ang manager, nakipag-meeting ang isang magandang aktres sa isa sa mga taong nagpapatakbo sa kanyang career. Inalam ng ak­tres kung anong plano sa kanya ng network kung saan siya nakakontrata at kung bibigyan siya ng show.

Naghihimutok ang manager ng aktres dahil ilang buwan ng walang regular show ang dalaga considering na may exclusive contract ito sa network at inalis pa sa last show na regular siyang lumalabas. Sabi ng manager, mabuti pa ang wa­lang mga exclusive contract sa network at tatlu-tatlo ang regular shows. Ay, sino kaya ito?

Kung wala pang maibibigay na project sa aktres ang home network niya, magpapaalam ito para makapag-guest sa isa sa mga shows ng ka­bilang istasyon at go signal na lang nito ang hinihintay ng staff. Kailangang magtrabaho ng aktres dahil marami siyang binabayaran at si­nu­suportahan ang pamilya.

May naghihintay ding show sa aktres sa isa pang network, siya ang napipisil na leading lady sa mini-series na pagbibidahan ng isang TV host-actor.

* * *

Ibinalita kahapon ni Rachelle Ann Go sa kanyang Twitter account na nag-recording siya ng theme song ng Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nina Marian Rivera at Ding­­dong Dantes. Ikaw ang title ng song na ni-record niya, hindi nabanggit ni Rachelle Ann kung ba­gong komposisyon ito o remake ng isang lu­mang kanta.

Kung ang Ikaw ito na theme song ng movie dati nina Sharon Cuneta at Ariel Rivera na kinanta rin ng dalawa, aba’y maganda ang song at babagay sa Autumn In My Heart. Marami na tuloy ang gustong marinig ang kanta.

Makakanta pa ni Rachelle ang theme song ng Endles Love sa mga show ng GMA 7 bago siya uma­lis for abroad dahil guest siya sa concert ni Ar­nel Pineda sa whole month ng July.

* * *

Thursday sa Diva, makikita na finally ni Martin (TJ Trinidad) si Melody (Regine Velasquez) at ito raw ang Diva niya. Nakita ni Gary (Mark Anthony Fernandez) si Melody sa favorite swing nila at nag-duet sila ng A Beautiful Stranger.

Nalaman ni Lady (Rufa Mae Quinto) sa labandera nila na nanay niya ito at kapatid niya si Tiffany (Glaiza de Castro). Aaminin ni Tiffany sa presscon na sila na ni Martin na ikinagalit ng huli. Aaminin ni Melody kay Barang (Jaya) na siya si Sam at naging emotional ang dalawa.

vuukle comment

A BEAUTIFUL STRANGER

AAMININ

AKTRES

ANGEL LOCSIN

ARIEL RIVERA

AUTUMN IN MY HEART

COGIE DOMINGO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with