Original Working Girls nasa video na

MANILA, Philippines - Muling gunitain ang drama at saya sa ‘80s box-office hit sa direksiyon ng National Artist Ishmael Bernal. Ang Working Girls ay nakasentro sa pitong babae na sinusubukang pagsabayin ang career at personal na buhay. Ito ay pinangungunahan nila Hilda Koronel, Chanda Romero, Baby Delgado, Rio Locsin, Gina Pareño, Maria Isabel Lopez at Carmi Martin.

Ang Viva classic na ito ay mabibili sa DVD sa halagang P375 at VCD sa halagang P275 sa mga paboritong video stores.

Show comments