Yasmien nagtitinda ng tubig; Claudine ipinagpapasa-Diyos na lang ang mga naninira

Seen : Darating ngayon sa Pilipinas ang singer na si Justin Timberlake. Kasama ni Justin ang kanyang girlfriend, ang Hollywood actress na si Jessica Biel.

Scene : May presscon ngayong umaga si Lorayne Pardo, ang biyuda nang namatay na assistant ni Richard Gutierrez. Gaganapin ang press­con sa Greenhills law office ni Atty. Abbas, ang abogado ni Lorayne.

Seen : Ang paninira sa Twitter na may attitude problem si Claudine Barretto. Ipinagpapasa-Diyos ni Claudiine ang mga paninira at mga na­ninira sa kanya.

Scene : Hindi pa makalalabas si DJ Mo sa show niya sa TV5 habang hindi pa tapos ang kon­trata niya sa GMA 7. Hanggang May 2010 ang con­tract ni DJ Mo sa Kapuso network.

Seen : Ang water refilling business ni Yasmien Kurdi sa Quezon City. Libre ang delivery sa mga tatawag sa telephone number 9275963.

Scene : Ayaw magsalita ni Geneva Cruz sa isyu ng paghihiwalay nila ni KC Montero.

Seen : Papasa na magkakapatid sina Andi Eigen­mann, Angel Locsin, Lovi Poe, at KC Con­cepcion.

Scene : Umiyak si Martin Nievera at niyakap si Gary Valenciano sa repeat ng kanilang AS1 concert noong Linggo sa Pasadena, California. Hindi sinabi ni Martin ang sanhi ng kanyang pag-iyak.

Show comments