Sharon hindi pinamanahan nang namayapang ama

Seen : Ang new hairstyle ni Susan Roces sa Sana Ngayong Pasko. Bagay kay Susan ang wig na ipinagamit sa kanya.

Scene : Ang rebelasyon ni Sharon Cuneta sa Star Studio na wala siyang natanggap na mana mula sa kanyang namatay na ama dahil wala itong last will and testament. Inamin ni Sha­ron na masama ang kanyang loob dahil sa naging trato sa kanya.

Scene : Taped ang mga episode ng Chika Minute Explosive. Maluluma ang mga balita ng show ni Pia Guanio dahil mabilis ang mga pangyayari sa showbiz.

Seen : Si Patani ang pinalakpakan at crowd favorite sa fashion show ng Artist Center stars sa Festival Mall noong Lunes. Feel na feel ni Patani ang pagiging ramp model.

Scene : Panday Kids ang next project ni JC de Vera sa GMA 7 at co-stars niya ang mga child star ng Kapuso network.

Seen : Independent candidate si Ara Mina. Malakas ang loob niyang kumandidato.

scene : Inalis na ni Gina Alajar sa kanyang list of Facebook friends ang tao na naglabas sa publiko ng kanyang FB post tungkol kay Krista Ranillo.

Show comments