Staff ng gym naimbyerna sa pagtataray ni Ruby Rodriguez

SEEN: Ang twenty thousand plus cellphone bill ni Mariel Rodriguez.

SCENE: Magpapa-audition ng mga contestants sa Amerika ang Season 5 ng Starstruck.

SEEN: Si Ogie Alcasid ang punong-abala sa fund-raising concert para sa mga biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Hindi na ito makakasabay ng November concert ni Katy Perry sa Mall of Asia concert grounds. Nag-iba ng date para sa Kaya Natin Ito concert. Gagawin na sa Disyembre.

SCENE: Guest si Paolo Bediones sa anniversary special ng Bubble Gang.

SEEN: Ang dating sexy actor na si Anton Bernardo. Haggard-looking si Anton at pilit na ikinukubli ang mukha sa kanyang suot na sumbrero upang hindi siya makilala ng mga tao.   

SCENE: Nakakatamad panoorin ang PBB Double-Up dahil sa rami ng mga housemates na may akting ang mga kilos dahil alam nila na may mga kamera na nakatutok.

SEEN: Na-turn off kay Ruby Rodriguez ang staff ng isang gym dahil wala sa lugar ang kanyang pagtataray noong Sabado.

Nagtaray si Ruby nang i-greet siya ng happy birthday ng female staff member na nagkamali ng tingin sa computer data.

Non-paying customer si Ruby dahil complimentary ang pagpunta at paggamit niya sa gym facilities.

SCENE: Ang pagtatanggol kay Pops Fernandez ng kanyang mga supporters.

Wala raw kinalaman si Pops sa gulo ni Gretchen Barretto at ng isang busi­ness­woman.

Show comments