Dingdong makikigulo sa Show Me Da Manny!

MANILA, Philippines -  Top-rating ang Show Me Da Manny, na pinangungunahan ng Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao at primetime queen na si Marian Rivera, dahil isang katerbang katatawanan ang hatid ng sitcom na ito ng GMA 7 mula nang mag-umpisa ito noong Agosto.

Base sa Mega Manila overnight ratings ng AGB Nielsen, nanguna ang Show Me Da Manny sa top 10 primetime Sunday programs noong Setyembre 6 matapos itong magtala ng 23% overnight rating. Dahil sa sayang hatid ng programa, nakakuha ito simula pa lang ng 23% overnight rating noong Agosto 23, sinundan ng 22% overnight rating noong Agosto 30 at nakapagtala rin ito ng 19.1% overnight rating noong Setyembre 13. 

Ang mga ratings na ito ay patunay lang na maraming manonood ang nag-eenjoy sa wacky tandem nila Manny at Marian. 

At ngayong Linggo, lalong madaragdagan ang saya dahil makikigulo ang isa sa mga hottest leading men ngayon na si Dingdong Dantes sa kumpetisyon sa pagitan ng Gym Santos at Paredes Fitness Center!

Maliligaw ang guwapong photographer na si Dante (Dingdong Dantes) sa barangay para maghanap ng kanyang modelo para sa kanyang proyekto. Dito niya makikilala si Ella Paredes (Marian Rivera) at mabibighani agad sila sa isa’t isa. Kukunin ni Dante si Ella na maging modelo niya.

Siguradong riot na naman sa katatawanan ang Show Me Da Manny ngayong Linggo pagkatapos ng All Star K sa GMA 7.

Show comments