^

PSN Showbiz

Dingdong at Rhian sure na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi na nababago ang desisyon ng GMA 7 ma­nagement na kay Rhian Ramos ibigay ang role ni Jodi sa Stairway to Heaven, kahit may request ang ilang Kapuso viewers na sa iba nilang talents ipareha si Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng Korean novela.

Kahapon ng 10:00 a.m., ginanap ang storycon ng Stair­way to Heaven at final na na si Rhian ay si Jodi. Present din sa storycon sina Dingdong na gaganap sa role ni Cholo, Glaiza de Castro sa role ni Eunice, TJ Trinidad sa role ni Tristan, Jean Garcia sa role ni Maita.

Nasa storycon din sina Jestoni Alarcon, Soliman Cruz, Karen delos Reyes na ’di namin alam ang mga respective roles. Of course, present din ang mga director na sina Joyce Bernal at Andoy Ranay at kung masusunod ang gusto ng dalawang direktor, gusto nilang mag-workshop ang four main characters bago simulan ang taping sa August 17 at sa Sep­tem­ber 7, naman ang premiere nito.

Sa mga nagdududang kakayanin ni Rhian ang role ni Jodi, tsika sa amin, she did well sa kanyang audition at kayang-kaya nito ang mga ma-emosyong eksena. May nag-suggest palang paitimin ang buhok ni Rhian at paiklian, problema lang ang shampoo endorsement nito dahil naka-stipulate sa kontrata na kailangang mahaba ang buhok niya.

* * *

Nakausap namin si Coney Reyes sa presscon ng And I Love You So ng Star Cinema at obvious na nag-enjoy sa role niyang mother nina Nikki Gil at Derek Ramsay sa rami ng kuwento. Comeback movie niya ito after a long time, kaya humingi ng pasensya kay direk Laurenti Dyogi na ang simpleng eksena niya sa first day shooting ay inabot ng take three.

Lumilipad ang isip niya sa magkahalong excite­ment at nerbiyos at kapag narinig na ang salitang “motor,” lumulutang na ang isip niya. Hiyang-hiya tuloy siya sa parang bagong artista niyang arte.

Samantala, masayang ibinalita ni Coney na ma­gi­ging lola na uli siya dahil buntis ang wife ng anak niyang si LA Mumar. Ang anak naman nila ni Vic Sotto na si Vico ay 19 years old na at PolSci student sa Ateneo. Gumagawa ito ng video para sa church nila at isang youth server pa doon.

Sabi ni Coney, close sina Vico at Vic at nagkikita ang mag-ama every week at nagkikita rin sila ni Vic ’pag nagdi-dinner ito sa kanila.

“Vic is a good father to Vico. Basta may free time siya sa shooting, taping o kahit anong trabaho, he visits his son sa Ateneo,” kuwento ni Coney.

Kumusta naman sila ni Vic?

“We’re okay, friends kami at nagkikita nga dahil kay Vico. Kung may offer na work with him, bakit naman hindi ko tatanggapin? But don’t ask me about his personal life dahil hindi siya nagkukuwento at ’di rin ako nagtatanong,” sabi ni Coney.

Sa August 12, na pala ang showing ng And I Love You So na directorial comeback ni direk Laurenti. Tampok sa napakagandang love story sina Derek, Sam Milby at Bea Alonzo.

* * *

Mai-interview ng press si Jinkee Pacquiao sa launching niya bilang isa sa bagong endorser-image model ng Belo Medical Group. Nakikipag-sabayan si Jinkee sa mga sikat na celebrities sa pagiging endorser ha!

Matatanong na siya tungkol kina Rufa Mae Quinto, Iya Villania na leading ladies ni Manny Pacquiao sa pelikulang Wapakman at tungkol kay Marian Rivera na kapareha ng mister sa sitcom na Show Me the Manny.

* * *

 Palabas bukas sa Q Channel 11, 9-10 p.m., ang documentary na Farrah’s Story na nag-chronicle sa two-and-a-half years battle ni Farrah Fawcett sa anal cancer. Idea ng actress na ikuwento ang pakikipaglaban niya sa cancer sa personal camcorder, kung paano siya naghanap ng treatment sa USA at Germany. Siya rin ang narrator ng documentary.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ATENEO

BEA ALONZO

BELO MEDICAL GROUP

CONEY REYES

DEREK RAMSAY

I LOVE YOU SO

JODI

RHIAN

VICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with