^

PSN Showbiz

KC at Piolo iniintriga na!

RATED A - Aster Amoyo -

Malaki ang utang na loob ni Eva Castillo sa kanyang karibal noon sa singing contest na si Regine Velasquez (dating Chona Velasquez) dahil ito ang muling nagbigay sa kanya ng pagkakataon na balikan ang kanyang first love — ang pagkanta. 

Kung hindi pa sa TV special ni Regine na Roots to Riches ay baka hanggang ngayon ay patuloy pa ring naghihirap si Eva at ang kanyang pamilya sa Tondo. Regular na rin siyang napapanood sa SOP at may album siyang binubuo na ang magka­sinta­hang Ogie Alcasid at Regine mismo ang magpu-produce.

* * *

Hindi pa man nagsisimula ang Pinoy remake ng Lovers in Paris ay naiintriga na ang tambalan ng dala­wang bida. 

Kesyo pilit ang pagli-link kina Piolo Pascual at KC Concepcion dahil sa kanilang bagong tambalan sa telebisyon.

’Di nga ba’t na-link din noon sina KC at Richard Gutierrez dahil sa dalawang movie na kanilang pinagsamahan? Pero matapos ipalabas ang pelikula ay wala na ring narinig pa tungkol sa kanilang dalawa.  

Siguro, hintayin na lamang natin na maipalabas ang Lovers in Paris kung saan hahantong ang magandang pagkakaibigan nina Piolo at KC na kahit wala pa sa showbiz noon si KC ay magkaibigan na sila ni Piolo.

* * *

Marami ang nagsasabi na mismatch umano sina Dennis Trillo at Jennica Garcia sa Adik sa ‘Yo dahil walang nakikitang chemistry sa dalawa. 

Patuloy na nagi-experiment ang GMA 7 sa iba’t ibang tambalan dahil ayaw naman nilang mapako ang kanilang mga talents sa loveteam lamang.

* * *

Mukhang may naghihintay na namang “giyera” sa pagitan ng mga Revilla at ni Rosanna Roces na may kinalaman sa anak ni Jolo Revilla kay Grace Adriano (anak ni Osang) na si Budoy na nasa pangangalaga ngayon ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado. Nang magkasakit si Budoy, nagkasundo sina Jolo at Grace na kunin muna ni Jolo ang bata para ipagamot at alagaan.

Kung mahal ni Osang ang kanyang apo (kay Grace), mahal na mahal din ito ng mag-asawang Bong at Lani at hindi naman ito inaagaw sa kanila (Osang at Grace) ang bata na nag-aaral na ngayon.

Pero may lumabas na balita na balak umanong idemanda ni Osang ang mga Revilla dahil ayaw isoli sa kanila ang bata.

Ang akala pa naman namin ay nagbago na si Osang. Sa halip na matuwa siya sa magandang pangangalaga ng mga Revilla sa apo niyang si Budoy ay minamasama pa niya ang mga ito. 

Saan kaya hahantong ang usaping ito? Tiyak na maiipit na naman ang inosenteng bata na wala namang kaalam-alam sa mga nangyayari.

* * *

[email protected]

vuukle comment

BONG REVILLA

BUDOY

CHONA VELASQUEZ

DENNIS TRILLO

EVA CASTILLO

GRACE ADRIANO

JENNICA GARCIA

OSANG

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with