^

PSN Showbiz

Dingdong humiling na ibalato na si Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natutuwa si Dingdong Dantes dahil kahit kaa-announce pa lang na siya ang male lead sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven, tanggap na agad siya bilang si Cholo at ito na ang itinatawag sa kanya ngayon. Nakikita rin daw niya ang excitement at enthusiasm ng mga tao sa bago niyang role at project, kaya nangakong hindi ipahihiya ang mga nagtiwala sa kanya.

Sa July pa sisimulan ang taping ng Stairway to Heaven at September naman ang airing. May director na, pero bawal pang pangalanan na tama lang dahil wala pa ring leading lady si Dingdong at gaganap sa role ni Jodi.

“Ngayon pa lang, napi-pressure na ako dahil maraming nagsasabing maganda ang material at ang role ko. Todo na ang kaba ko, but I’m very optimistic na magugustuhan nila ang gagawin ko. A Filipino Cholo ang kanilang mapapanood,” wika ni Dingdong.

Samantala, ipinarating namin kay Dingdong ang pambubuking ng pamangkin at inaanak niyang si Paul Salas ng Star Magic na girlfriend na niya si Marian Rivera dahil dinadala niya sa mga family gatherings nila. Nagbiro ang actor na papaluin ang bagets. Hindi nag-deny ha!

Gaya nang sinabi namin, walang dapat ikatakot ang mga fans nina Dingdong at Marian na baka magkalimutan ang dalawa ngayong hindi sila magkatambal. Last Saturday, magkasama silang nag-merienda sa Shangri-La EDSA Hotel at ’di namin pinaniwalaan ang alibi ng actor na pareho silang nasa Ortigas area kaya naging madali sa kanila ang magkita. Nagdyi-gym siya sa hotel at nagpa-facial naman si Marian within the area.

Bakit hindi pa sila umaamin?

“Kung anuman ang meron kami, I just want it to be private at yung nakikita n’yo, ibalato n’yo na lang sa akin. Ngayon lang ako nagre-request ha?” pangungunsensya pa ni Dingdong.

* * *

Kasama ba talaga si Piolo Pascual sa Nasaan Ka Maruja? Iginigiit ng child actor na si Jairus Aquino na kasama si Piolo sa soap na pinagbibidahan ni Kristine Hermosa sa ABS-CBN. Role raw ni Gabriel ang ipo-portray ng actor at siya pa raw gaganap na young Piolo.

Wala pang regular TV show si Jairus after Pieta, pero busy pa rin siya’t may gagawing indie film entitled Ang Asawa Kong si Nicolette at ang kapwa Star Magic Circle talent na si Mica dela Cruz ang kanyang kasama.

Ten years old si Jairus noong April 4, may kaliitan siya, pero hindi siya takot na ’di lumaki gaya sa ibang child stars dahil may curfew siya, nagti-take ng vitamins at masustansya at healthy food ang kinakain.

* * *

Showing sa May 13, ang Heavenly Touch ng DMV Entertainment at ini-encourage namin ang mga Noranians na panoorin ito.

May eksena kasi ang isang impersonator ni Nora Aunor na kinatuwaan ng nanood sa press preview ng movie. Kuwela ang paulit-ulit niyang pagtili ng mga linyang “Hayup” na ginawa ni Guy sa pelikulang Ina Ka ng Anak Mo.

Tingnan nga natin kung ikatuwa ng mga Noranians ang ginawa ni Bona (name ng impersonator) na nagbigay ng comic relief sa movie.

Love story ang Heavenly Touch ng dalawang lalaki, pero marami munang pinag–daanan ang mga characters nina Paolo Serrano at Joash Balejado bago magkaroon ng happy ending. Mula ito sa script ni Eric Ramos at direction ni Joel Lamangan.

vuukle comment

A FILIPINO CHOLO

ANAK MO

ANG ASAWA KONG

ERIC RAMOS

HEAVENLY TOUCH

INA KA

JAIRUS

JAIRUS AQUINO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with