Aliwan Festival Queen
MANILA, Philippines – Kinoronahan bilang Festival Queen ang Cebuanang si Sian Elizabeth Maynard sa maningning na seremonya nagwakas ang taunang Aliwan Fiesta noong sabado ng gabi. Ang 21-anyos na mestisang nagtapos ng kursong European Studies sa Dela Salle University ay half-Filipina, half-British, at siyang tinanghal bilang Miss Cebu noong nakaraang taon. Pumangalawang puwesto si Romarie Ivy Cunanan ng General Santos City, habang runners-up naman sina Aliah Heitz ng Davao, Parul Framil Shah ng Baguio, at Kate Lao ng Laoag.
May hawig kay Charlene Gonzales si Maynard, na nagwagi rin bilang Best in Long Gown, samantalang ang morenang Bumbay na si Shah ang Best in Swimsuit. Best in Talent naman si Lao, na nagtanghal ng isang dance revue ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Nakamit naman nina Anne Camille del Rosario ng Pakalog Festival sa Pasig at Stephanie Rae Paras ng Ibon-Ebon Festival sa Candaba, Pampanga ang parangal sa Best Festival Costume.
- Latest