Alma may pakiusap sa mga kaibigan

MANILA, Philippines - Seen : Ang story conference kahapon ng  Dapat Ka Bang Mahalin, ang bagong Sine Novela ng GMA 7. Bida sa television remake ng pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Si Maryo J. delos Reyes ang direktor.

Scene : Ang pakiusap ni Alma Moreno sa kanyang mga kaibigan na huwag munang pangalanan ang Mindanao mayor na pinakasalan niya. Makikilala rin ng publiko si Mayor dahil pinaplano na ang kanilang grand wedding sa bayan na nasasakupan sa Mindanao ng kanyang bagong asawa.

Seen : Bantay-sarado si Sarah Geronimo ng kanyang mga magulang. Walang sariling cellphone si Sarah. Puwede siyang tawagan sa cellphone na hawak ng nanay niya.

Scene : Si Marky Cielo ang gusto ni Queenie Padilla na maging ka-loveteam. Hindi na matutupad ang pangarap ng anak ni Robin Padilla dahil sumakabilang-buhay si Marky noong December 7, 2008. Nakiramay si Robin sa naiwanang pamilya ni Marky. Nagpunta pa siya sa bahay ng mga Cielo sa Mountain Province.

Seen : Pang-artista ang posing  (with matching hair na may wind-blown effect) ni Cathy Garcia-Molina sa publicity photos ng You Changed My Life. Si Cathy ang direktor ng Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz movie. Parating kasali si Cathy sa pictorial para sa publicity ng kanyang mga pelikula. Aspiring star....?

Scene : Ang report ng Box-Office Mojo sa box-office gross ng mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas mula February 11 hanggang February 15, 2009.

Show comments