Jinggoy nakaratay pa rin sa hospital

MANILA, Philippines -  Seen :  Tempting ang offer ng ABS-CBN kay JC de Vera. Ayaw ni JC na iwanan ang GMA 7 ngunit ang desisyon ng kanyang manager ang masusunod. Si Annabelle Rama ang manager ni JC.

Scene : Abswelto si Princess Revilla sa demanda ng kanyang kasambahay. Abswelto man, nakatatak sa utak ng publiko ang maraming beses na pagkaka­sangkot ni Princess sa mga isyu ng pananakit sa kasambahay.

Seen : Naka-confine pa rin si Senator Jinggoy Estrada sa Cardinal Santos Hospital. Birthday niya sa February 17 at may birth­day celebration siya sa February 20. Good health para kay Jinggoy ang birthday wish ng kanyang mga kaibigan.

Scene : Ang unveiling bukas ng billboard ng Totoy Bato sa GMA 7 building at Edsa. Kasabay ng billboard unveiling ang photo exhibit ni Robin Padilla.

Seen :  Ang jampacked crowd sa concert ni AiAi delas Alas sa Ai-Sarap. Tagumpay ang kanyang Valentine concert kagabi.

Scene : Three months pregnant si Cheska Garcia sa first baby nila ni Doug Kramer. Magkakaroon na si Patrick Garcia ng pamangkin na puwedeng pagbu­husan ng atensyon dahil hindi pa niya nakikita ang love child nila ni Jennylyn Mercado.

Seen : Sina Katya Santos, Maui Taylor at Andrea del Rosario ang mga cover girl ng March issue ng FHM. Blast from the past!

Scene : Nakukulangan sa acting ni KC Concepcion ang mga nanood ng When I Met U at may mga eksena na pagod na pagod ang kanyang mukha.

SEEN : Negative ang resulta ng drug test kay Mark Herras at sa iba pang artista ng GMA Artist Center na nagsadya sa Camp Crame noong Huwebes.

Show comments