ABS-CBN apat na medaly ang napanalunan sa New York Festivals

Pagkatapos maghakot ng tropheo sa Golden Dove at Star Awards, sa New York Festivals naman nagpakitang-gilas ang ABS-CBN. Apat na medalya at apat na finalist certificates ang napanalunan ng istasyon, pinakamarami para sa isang istasyon dito sa Pilipinas.

Isang Gold World Medal for Best TV Special ang iginawad sa Bantay Bata 163 10th Anniversary Special, samantalang Silver World Medal naman ang nakuha ng investigative report ni Korina Sanchez sa substandard na glutathione brands.

Ang Bantay Bata 163’s 10th Anniversary Special ay isa sa maraming world-class na produksyong itinaguyod ng ABS-CBN Special Projects Group (SPG), sa pamumuno ng event-maven na si Chit Guerrero.

Hindi naman nagpa­huli ang iba pang prog­rama ng Kapa­mil­ya.Tinanghal ding Silver World Medalists ang Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino para sa Talk/Interview category at Lastikman ni Vhong Navarro para sa Action/Adventure category.

Ginawaran naman ng finalist certificate para sa Best News Reporter si Korina, na chief corres­pondent and news an­chor ng ABS-CBN.

Show comments