Karen Davila naghahakot ng ipot sa manukan?

Madalas itong pinandidirihan at nilalayuan, pero sa San Jose, Batangas, lunas sa kumakalam na tiyan ang mabahong ipot sa manukan.

Maaga pa lang, gising na gising na ang mga tulad ni Mang Noel upang maghakot ng saku-sakong dumi ng manok. Bago maghapunan, ibebenta naman niya ang naipong ipot bilang pataba sa mga taniman.  

Samahan si Correspondent Karen Davila sa pagsilip sa nakasusulasok ngunit kapaki-pakinabang na hanapbuhay ng pag-iipot sa Batangas. 

Manood ng The Correspondents sa ABS-CBN bukas, Martes (Nov. 11) ng gabi, pagkatapos ng Bandila.

Show comments