Rica, bukambibig ang Diyos
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - December 21, 2006 - 12:00am
Sapul nang maging born-again si Rica Peralejo ay si Lord ang laging bukambibig nito. Nakatulong sa kanya ang higit na pananalig sa Diyos kaya natigil ito ng paninigarilyo.

Loveless din siya kahit inili-link kay Piolo Pascual at inulit na wala silang relasyon at magkaibigan lang.

Nakatutok ang kanyang pansin sa career niya ngayon.

"Sapul nang makilala ko si Lord ay malaking pagbabago ang naganap sa buhay ko," anang aktres.

Abala ngayon sa promosyon ng Matakot Ka Sa Karma si Rica at maraming nagsasabing hawak pa rin nito ang korona bilang Horror Queen.
Hanga Kay Gretchen
Kahit nalalagay sa intriga ngayon si Gretchen Barretto dahil sa nakaraang away nila ni Dawn Zulueta ay nanatiling maganda ang naging karanasan ni Direk Jose Javier Reyes sa aktres.

"Kailangan naman niya talaga ang bodyguard at yaya. Walang masabi sa kanya ang dubbers dahil nagpapabili siya ng pagkain para sa kanila at wala silang sinasabing masama laban kay Gretchen. She’s one of the most beautiful faces in showbiz and it’s nice working with her," anang director.

Propesyonal si Gretchen at laging on time sa set ayon sa mga kasamahan nito at never naman itong naging prima donna kaya komportable ang mga staff kapag kinakausap siya.

Ginagampanan nito ang papel ni Aleli sa first episode ng horror trilogy.
Miss Kita Kung Christmas
Magsasama-sama ang mga artista sa araw na ito sa Sis na may malalamig na Pasko. Kanya-kanyang kwento, kanya-kanyang istorya kung bakit malamig ang Pasko kina Alicia Mayer, Roxanne Guinoo, Joseph Bitangcol, Jeremy Marquez, IC Mendoza at Paolo Paraiso.

Aawit din si Kyla na espesyal ding panauhin sa Sis.
Nasira Ang Paghanga
Naikwento ng aking source na mahilig sa musika ang kanyang pagkadismaya nang makita minsan at kausap ang hinahangaang pianista at composer na kapatid ng isang world class performer.

"Marumi kasi ang kanyang kuko. Di siya katulad ng kanyang kapatid na malinis mula ulo hanggang paa. Wala pala siyang personal hygiene," anang source.

ALICIA MAYER DAWN ZULUETA GRETCHEN GRETCHEN BARRETTO HANGA KAY GRETCHEN HORROR QUEEN JEREMY MARQUEZ JOSE JAVIER REYES JOSEPH BITANGCOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with