Paikli nang paikli ang nagiging relasyon ni Aiai!

Halos nangingilid ang luha ni Aiai delas Alas nang ito’y aming makausap sa blowout party ng Imus Productions para sa pelikulang Kapag Tumibok Ang Puso... na ginanap sa Annabel’s nung nakaraang Miyerkules ng tanghali. 

Dalawang beses naudlot ang planong pagpapakasal nina Aiai at Jun at nagpapasalamat siya sa kanyang manager na si Boy Abunda dahil ito ang nag-advise sa kanya na maghintay-hintay muna silang dalawa ng ilan pang panahon bago sila tuluyang magpakasal.

Inamin ni Aiai na talagang iniyakan niya ang maagang paghihiwalay nila ni Jun na hindi man lamang ipinaglaban ang kanilang relasyon.  Si Aiai na rin ang tumapos ng kanilang relasyon dahil siya lamang umano ang naga-adjust sa kanilang dalawa. Hindi umano palasalita si Jun at hindi rin ito showy sa kanyang pagmamahal kay Aiai, bagay na hindi maintindihan ng komedyana.

Kung tatlong buwan lamang tumagal ang kanyang relasyon sa kanyang American boyfriend na si Art Carter, limang buwan naman tumagal sila ni Jun.
* * *
Dahil sa tagumpay ng Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once But Twice), mas ganado ngayon ang Imus Productions sa pagpu-produce ng pelikula.

Pagkatapos ng blow-out party ng Imus Productions ay nag-meeting sina Bong, ang kapatid nitong si Andrea Bautista-Ynares, si Direk Wenn Deramas at ang writer na si Mel del Rosario para sa kanilang susunod na project. 
* * *


a_amoyo@pimsi.net

Show comments