‘D’ Lucky Ones’ ng Star Video

Ang pelikulang yumanig sa mundo dahil sa nakakabaliw na katatawanan ay nasa orihinal na VCD at DVD format na ng Star Records Video. Pinamagatang D’ Lucky Ones, ito ay pinangungunahan nina Sandara Parks, Joseph Bitangcol, Eugene Domingo at Pokwang. Tinaguriang "Movie For All Season," ito ay isang certified mega box office hit nang ipalabas kamakailan lamang sa ‘Pinas at key cities sa ibang bansa. Sa maagang pag-release nito sa video, ang home viewers ay may pagkakataong ulit-ulitin ang mga eksenang nagdulot ng kakaibang aliw at kiliti sa buong pamilya.

Idinirihe ni Wenn V. Deramas, ang D’ Lucky Ones sa video at meron ding full trailer, behind-the-scenes, music video at English subtitles. Para sa orihinal na kopya, magsadya lamang sa Astrovision, AstroPlus, Odyssey, SM Record Bars, Video City, New Radio City at iba pang sikat na outlets sa abroad. "Maging wais, iwas-pirata!" — ZAR BAISAS

Show comments